inooperahan ngayon yun pinsan ko. nagdikit daw ulit yun bituka. barado din. nakakakaba kase may hemophilia pa yun.
morbid thoughts please leave us alone.
it’s already scary as it is. wag na dumagdag pa..
maasahan naman ako e. oo maasahan naman ako. pero yung isabak ako sa gawain na wala man lang akong maayos na training o background man lang? tapos ngangaragin pa? ang bigat bigat sa loob.
ikaw na. bibiglain ka. basta ka na lang ilalagay sa sitwasyo na kulang na kulang ang bala at suporta mo. hindi ka pa mag aalangan gumawa? grabe. kung kaya ko na ako lang.. kung kaya ko ga edi nasimulan ko na. kaso.. hindi.nga.e.
cruch na crush na crush na crush na crush ko talaga yung prof ko dati! hehe.. ang cute kase nun tas ang smart pa. tuwang tuwa ako maging estudyante nun. dahil irreg ako, as much as possible dun ako nag eenroll sa subject na sya yung prof. haha! wapakels na kung sino mga kaklase ko basta sya yung prof..
tanda ko pa ganadong ganado ako magpakitang gilas dun lage. ang sarap kase sa pakiramdam pag narerecognize nya yung achievements ko sa klase nya. haha! pasikat e pero discreet naman. pasimple lang :p
kakatuwa lang din na malalaman ko na ibinibida nya pala ako sa iba.. ang sarap sarap lang talaga sa pakiramdam na in a way binaback upan ka ng hinahangaan mong tao at alam mo na naniniwala sya sa kakayahan mo :)
iniisip ko yung sinasabi ni hermione granger na “IGNORE HIM.. JUST IGNORE HIM” (something like that) pag naaasar na naman ako (aka nagseselos).
You’re not just friends, but you’re not together. To be honest, I get jealous when I see other people talking to you and telling you they want you, even if they’re just kidding. Why? Because at this point it feels like I have everything to lose. You’re not even mine, and even if it feels like you are, anyone can take you away at any second, and if that happens I’m afraid I won’t be able to do anything about it. I’m already all yours, so can you just be mine already?
hirap naman sa mga lalake na ‘to. hindi makunteto na maging superhero ng ISANG BABAE LANG.
hindi ko masabi kung “okay” kami sa situation na gusto ko. pero ok kami in the sense na nag uusap ulit. na inaaya nya ‘ko or
nagpaplano kami kung anong gagawin pag off ko or pag walang pasok. tex
tex.. chat.. tawag. pero hindi ko alam kung anong meron samin. ayoko na magtanong. ayoko na linawin. hinahayaan ko
na lang. ayoko kase na sasabihin nya lang yung mga gusto ko marinig kase nagtanong ako. ayoko nung parang napressure lang sya magsalita or
gumawa kase nag inarte ako. hindi na ‘ko magiging masaya sa ganun. kung
dati okay lang na basta narinig ko yung gusto ko e ngayon parang di pala talaga uubra pag ganun.